Showing posts tagged with “queue”

Random Strangers

Random strangers in my blog:

Stranger #1 from Lipa: Got into this blog post through searching, Ano ibig sabihin pag hindi na nalilibugan in Google. 

Stranger #2 from Las Pinas: Got into this blog post through searching, Heart Evangelista 2012 in Google.

Stranger #3 from California: Got into this post through Google.

Stanger #4 from Belgium & #5 from Aussie : Got into this post through searching, Woven Braid in Google.

I want to portray a shoe addict.

Just like this. ♥

My best “jump shot” ever!

Hahaha! I don’t know why. But I just feel like it. Look at me and Jane! Hahahahahahaa! I really really like this. =))

(Source: kwentongkupas.tumblr.om)

Yung kahit sobrang init ng sahig..

Itotodo ang pag-pose. Maging unkabogable lang! Hahaha! Grabe oh, tignan niyo naman itsura namin dyan. Tirik na tirik yung araw, pwede kang magluto ng sunny side up egg sa sementong hinahawakan namin sa sobrang init. Pero, keber lang! Hahahahaha!

(Source: kwentongkupas.tumblr.om)

Ang ganda ko lang talaga. Grabe na ‘to! Haha. Naiinlove ako sa sarili ko. 

Ang ganda ko lang talaga. Grabe na ‘to! Haha. Naiinlove ako sa sarili ko. 

Litrato namin ni Zia noon. Siguro mga 3-4 na buwan na ang nakalipas. Pero bakit pakiramdam ko, ang bata-bata namin sa litratong ‘to? 
Nakita ko pa, ang ikli pa nga pala talaga ng buhok ko noon. Syempre, alangan namang hindi humaba yun diba? Common sense Dessa.

Litrato namin ni Zia noon. Siguro mga 3-4 na buwan na ang nakalipas. Pero bakit pakiramdam ko, ang bata-bata namin sa litratong ‘to? 

Nakita ko pa, ang ikli pa nga pala talaga ng buhok ko noon. Syempre, alangan namang hindi humaba yun diba? Common sense Dessa.

Ashwali..

Meron pa akong pupuntahang Fun Run ng alaskwatro ng umaga. Pahinga rin ang kailangan ko. Nasabi ko lang ‘to at i-queue ko pa. Pero syempre, ilalagay ko ‘to sa tamang oras. Hindi katulad nung ibang nasa drafts ko na nakalimutan ko na i-publish. =)) 

Nabibilang ko na kung ilang araw na lang bago matapos ang semestre na ‘to. Wala na kaming pasok. OJT kembular na lang. Ashwali, wala pa akong defenite company na papasukan. Dami ko pa pinagpipilian. Nakakainis lang.

Busog na busog rin nga pala ako today. Dami ko ring nakain. Ashwali bawal nga sain yung kinain ko. Pero ang sarap kasi kaya, keribambam lang. Minsan lang naman eh. Y’know..

Tulog na siguro ako habang binabasa niyo ‘to. Andami nang tambak na gawain (pictures na dapat i-resize/i-post process/i-upload) sakin. Hindi ko na alam ang dapat kong gawin. Juuuuuiiiice koooo. 

Tulog tulog din.

Walang konek yung title ko sa post ko. Siguro meron, depende sa pagkakaintindi mo. Nanunuod kasi ako kanina ng TV. Ang topic: Pasig River. Mahigit kumulang 14 years ng buhay ko ay ginugol ko sa Pasig. Oha! Ginugol, kala mo nagpakahirap ako eh. Kaya malaking attachment sakin ang Pasig. Parang atta-chi case at attachments sa email. (sabi nung magaling kong friend) Tungkol yun sa layunin na pagpapanumbalik ng buhay ng Ilog Pasig. Aba, teka. Ilang dekada na ang lumipas, hindi padin nila nasosolusyunan yon.

Sabi dun sa palabas, isa daw sa mga dahilan kung bakit kahit gano kadaming milyon ang gastusin nila sa Ilog Pasig kung milyon din ang maninirahan sa tabi/maaring ibabaw nito dahil waley na waley yun sa basurang shini-share nila sa Ilog Pasig. 

Mahigit kumulang 80 na pamilya raw ang naninirahan sa tabi ng Ilog sa isang parte/brgy ng Pateros. Partida hindi lang naman sa Pateros dumadaan ang Ilog Pasig. So ang point dun ay yung mga naninirahan, natutulog at gumigising sa mga squatters area sa tabi ng Ilog Pasig ang problema. 

Sa totoo lang kung mayaman at martir lang ako. Papagawa ako ng condominium para lang sa mga iskwaters na yan. Palilipatin ko sila dun lahat. Bibigyan ko sila ng trabaho (janitor nung condo, tiga-linis ng pool, guard, factory worker, atbp) , magbibigay rin ako ng libreng paaral para sa mga naninirahan dun kung ayaw nilang magsettle sa nasabi kong mga trabaho. Syempre, dahil sa unang taong paninirahan nila dun ay libre wala na silang aalalahanin kung pano sila makakapag-ipon. Oha! 

Matapos ang isang taon, babayaran nila ng 500Php ang pagtulog sa studio-type na unit nila sa condo ko. Para naman hindi bumagsak yung condo. Matapos muli ang isang taon ay dadagdagan ko ng 200 ang dapat nilang bayaran.  Maximum of 5-6 persons lang sa isang unit. Meaning kung 12 kayo sa pamilya ay 2 unit ang masasakop ninyo. Meaning after a year, ang expense ninyo para sa bahay ay 1000Php lamang. Kung mali ako sa computation, itama mo na lang. ROW 4 ako sa Math eh. Fair enough? Hindi ko alam. Malay ko ba. Naisip ko lang naman yan. Imahinasyon at chubby ng brains ko lang yan. 

Sabi dun sa palabas, 5 taon pa matapos mapaalis ang mga iskwater sa tabi ng Ilog Pasig masisimulan ang paglilinis dito. Aba, meaning 5 taon ang grace period ng maninirahan sa condo ko. Syempre, feeling ko naman after 5 years ng pagtulong ko may mas maginhawang buhay na sila kesa sa buhay nila noon. Magsisimula naman akong tulungan ang ibang tao. Patutulugin ko sila dun. It’s a place for Every Juan, ika nga. At ang number 1 major sister ko rito ay ang ferry ride ng Ilog Pasig. Para todo support parin ako sa aking sintang Ilog. Magbibigay ako ng mga charities eklavoo para sa Ilog Pasig. Ang mga kabataan at iba pang mamamayan ay magtutulong-tulong upang mas mapalinis at magbigay buhay sa Ilog.

Hanggang sa, bago ako mamatay ay masisilayan ko ang buhay na Ilog Pasig. Bago ako mahimlay at matulog, alam kong gising ang Ilog at patuloy pang magiging gising para sa mga anak ko, apo at sa mga susunod pang henerasyon.

PS: Ewan ko kung may point ako dito. At may constant thought ako dito. Tulog-tulog din. Antok ako eh. Lamig.

Marami akong gusto.

  • Maraming sapatos.
  • Maraming damit.
  • Maraming bag.
  • Maraming pera.
  • Maraming pagkain.
  • Magandang bahay.
  • Magandang mukha.
  • Magandang katawan.
  • Magandang buhok.
  • Magandang paaralan.
  • Magandang trabaho.
  • Magandang buhay.

Pero lahat ng yan, makukuga ko yan kung paghihirapan. In time kumbaga makukuha ko. Nag-iinarte lang ako ngayon dahil gusto ko na makuha ng maaga sa inaasahan at kagustuhan ng Diyos. Tama naman ako diba? 

Hindi lang ito ang tamang panahon para makuha ko yan. Hindi sabay-sabay. Hindi agad-agaran. Normal naman siguro na hanapin ang isang bagay na wala sayo sa kasalukuyan. Oh yes, I rant all the time. Pero hindi ako bobo’t tanga para hindi paniwalaang makukuha ko yan. Alam ko makukuha ko yan. Pagsisikapan ko yan. Maaring maririnig niyo kong magsalita tungkol sa kung gano kahirap, gano katagal pero alam ko na kaya ko pang maghintay. Darating din yan.