Showing posts tagged with “pinas”

Survival At It’s Best : Teaser

Bird’s eye view of my recent trip with my closest friends from college and with Robyn, of course! ☺ 

More about the trip and the place soon! ♥

(Source: kwentongkupas)

Buto’t Balat.

Naiyak ako kanina sa panunuod ng documentary na ito tungkol sa severe malnutrition dito sa Pilipinas. 2005 documentary pa ito, at sa findings 2nd daw tayo sa Africa pagdating sa malnutrition. Nakakalungkot.

Nung nakikita ko yung mga bata na hirap na umupo, bumangon sa pagkahiga, huminga, magsalita dahil sa hina ng katawan at kapayatan hindi ko mapigilang lumuha. Sobrang parang mamamatay na ako. Nakakalungkot dahil sa nasabing documentary, sumakabilang buhay na yung mga batang yun. 

Nakakainis, kasi ang arte arte ko din paminsan sa pagkain. Minsan nga, yung cravings ko na kahit hindi ako sobrang gutom kakain padin ako kasi hinahanap ng panlasa ko. Yung gastos ko sa pagkain. Tapos yung iba, halos walang makain.

Sa Bicol area yung naipakita sa documentary. Gusto kong magpunta dun, magstay ng 1 buwan para magpakain sa mga bata. Hindi ng basta-bastang lugaw lang sa umaga. Kundi, tatlong beses sa isang araw. Masustansya. Tuturuan ko na din sila, kung kinakailangan. Tuturuan at tutulungan magtanim, para meron silang aasahang masustansyang makakain kapag walang kita o kakapiranggot lang. Siguro, bibili ako ng mga manok, para pwede nilang alagaan. Mga prutas, gulay at iba pa.

Gustong gusto kong maging volunteer. Sa totoo lang. Meron nga akong fill-up form para sa World Vision. Kapag nagkatrabaho kasi ako, magpopondo ako sa isang bata para makapag-aral. Ano nga ba naman ang 600Php sa isang buwan, katumbas ng magandang kinabukasan. 

Kung kailangan ninyo ng volunteer o may alam kayong kinakailangan ng tulong, sabihan niyo lang ako. O di kaya, imbis na mag-meet up lang tayo. Halika’t gumawa ng outreach para sa mga batang lansangan o sa mga batang nasa Payatas o probinsya. Hindi na ako magdadalawang-isip sumama. 

(Source: kwentongkupas)

Make it Happen! 13 days left to VOTE!

islandsmag:

Text PPUR send to 8261 or click HERE to vote!

Internet Action Star and Tumblr personality - Ramon Bautista 

Superband FRANCO

Multi-talented Cebuano Kate Torralba

Photos taken from Wanderground United

Tulog tulog din.

Walang konek yung title ko sa post ko. Siguro meron, depende sa pagkakaintindi mo. Nanunuod kasi ako kanina ng TV. Ang topic: Pasig River. Mahigit kumulang 14 years ng buhay ko ay ginugol ko sa Pasig. Oha! Ginugol, kala mo nagpakahirap ako eh. Kaya malaking attachment sakin ang Pasig. Parang atta-chi case at attachments sa email. (sabi nung magaling kong friend) Tungkol yun sa layunin na pagpapanumbalik ng buhay ng Ilog Pasig. Aba, teka. Ilang dekada na ang lumipas, hindi padin nila nasosolusyunan yon.

Sabi dun sa palabas, isa daw sa mga dahilan kung bakit kahit gano kadaming milyon ang gastusin nila sa Ilog Pasig kung milyon din ang maninirahan sa tabi/maaring ibabaw nito dahil waley na waley yun sa basurang shini-share nila sa Ilog Pasig. 

Mahigit kumulang 80 na pamilya raw ang naninirahan sa tabi ng Ilog sa isang parte/brgy ng Pateros. Partida hindi lang naman sa Pateros dumadaan ang Ilog Pasig. So ang point dun ay yung mga naninirahan, natutulog at gumigising sa mga squatters area sa tabi ng Ilog Pasig ang problema. 

Sa totoo lang kung mayaman at martir lang ako. Papagawa ako ng condominium para lang sa mga iskwaters na yan. Palilipatin ko sila dun lahat. Bibigyan ko sila ng trabaho (janitor nung condo, tiga-linis ng pool, guard, factory worker, atbp) , magbibigay rin ako ng libreng paaral para sa mga naninirahan dun kung ayaw nilang magsettle sa nasabi kong mga trabaho. Syempre, dahil sa unang taong paninirahan nila dun ay libre wala na silang aalalahanin kung pano sila makakapag-ipon. Oha! 

Matapos ang isang taon, babayaran nila ng 500Php ang pagtulog sa studio-type na unit nila sa condo ko. Para naman hindi bumagsak yung condo. Matapos muli ang isang taon ay dadagdagan ko ng 200 ang dapat nilang bayaran.  Maximum of 5-6 persons lang sa isang unit. Meaning kung 12 kayo sa pamilya ay 2 unit ang masasakop ninyo. Meaning after a year, ang expense ninyo para sa bahay ay 1000Php lamang. Kung mali ako sa computation, itama mo na lang. ROW 4 ako sa Math eh. Fair enough? Hindi ko alam. Malay ko ba. Naisip ko lang naman yan. Imahinasyon at chubby ng brains ko lang yan. 

Sabi dun sa palabas, 5 taon pa matapos mapaalis ang mga iskwater sa tabi ng Ilog Pasig masisimulan ang paglilinis dito. Aba, meaning 5 taon ang grace period ng maninirahan sa condo ko. Syempre, feeling ko naman after 5 years ng pagtulong ko may mas maginhawang buhay na sila kesa sa buhay nila noon. Magsisimula naman akong tulungan ang ibang tao. Patutulugin ko sila dun. It’s a place for Every Juan, ika nga. At ang number 1 major sister ko rito ay ang ferry ride ng Ilog Pasig. Para todo support parin ako sa aking sintang Ilog. Magbibigay ako ng mga charities eklavoo para sa Ilog Pasig. Ang mga kabataan at iba pang mamamayan ay magtutulong-tulong upang mas mapalinis at magbigay buhay sa Ilog.

Hanggang sa, bago ako mamatay ay masisilayan ko ang buhay na Ilog Pasig. Bago ako mahimlay at matulog, alam kong gising ang Ilog at patuloy pang magiging gising para sa mga anak ko, apo at sa mga susunod pang henerasyon.

PS: Ewan ko kung may point ako dito. At may constant thought ako dito. Tulog-tulog din. Antok ako eh. Lamig.